Mga kubol sa New Bilibid Prison, nakumpisakahan ng mga droga at baril

Nakumpiskahan ng Bureau of Corrections (BuCor) ng droga at sampung baril ang mga binaklas na kubol o pader sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa, City.

Ayon kay BuCOR Chief Gregorio Catapang Jr., apat na 45 caliber pistol at isang caliber 40 ang huli nilang nakuha mula rito.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ayon sa huling datos, nasa walumpung porsyento na ang binaklas na kubol sa loob ng kulungan upang matiyak na wala ng lulusot na mga illegal na transaksyon.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng BuCor upang matukoy ang salarin sa likod ng pagkakaroon ng mga baril ng mga person deprived of liberty (PDL).

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ito ay matapos sabihin ng ilang PDL o bilanggo na ang mga nakalipas ng liderato sa piitan ang nagbenta sa kanila ng mga narekober na baril.

Kung maalala, nagpasa ng karagdagang budget proposal na 1.5 bilyon kahapon si Catapang upang ma-upgrade ang security measures sa bilangguan tulad ng pagkakaroon ng scanners, guard dogs at Closed Circuit TV (CCTV).