𝗧𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗧𝗔𝗚𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗘𝗡𝗚𝗞𝗘 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Hinikayat ng Department of Agriculture katuwang ang Department of Trade and Industry at City Government of Ilagan ang mga Rice Stall retailers at suppliers sa Public Market ng Lungsod na makipagtulungan sa kanila upang maging maayos ang bentahan ng bigas.

Kahapon ay nagkaroon ng ocular inspection ang mga nasabing ahensiya upang tignan ang sitwasyon ng mga bilihan at presyo ng bigas.

Napagkasunduan ng mga retailers at owners na ipatutupad na sa palengke ang price tagging scheme kung saan matutulungan nito ang mga mamimili na magkaroon ng ideya sa kung anong klaseng bigas ang kanilang bibilhin.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kulay puti ang background ng price tag kung ito ay Regular at Well-milled, Dilaw naman ang kulay kapag ito ay premium, at kulay asul kapag ito ay special rice.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa isang Rice Stall Owner, pabor naman aniya siya sa suhestiyon ng DA at DTI sa pagbabago sa nakasanayang price tag para hindi rin mailto ang mga consumer.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Inabisuhan din ng DA ang mga retailers na suriing mabuti ang mga variations ng mga bigas para maging tama ang mga ibinebentang bigas sa merkado.

Kaugnay nito, wala pa naman umanong Standard Retail Price ang bigas ayon sa DTI pero nakiusap naman ito sa mga nagtitinda na ‘wag itong abusuhin.