Mga kawani ng Pamahalaang lungsod, isinailalim sa talakayan patungkol sa COVID-19 vaccine

COTABATO CITY – INILUNSAD ng Cotabato City Health Office ang isang talakayan patungkol sa COVID-19 vaccine sa mga kawani ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan sa lungsod.


Pinangunahan nina City Epidemiologist Dr. Marlow Niñal at Health Education and Promotion Officer Veronica Jumuad ang nasabing aktibidad.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing


Layunin nito na mapalakas pa ang kampanya kaugnay sa pagpapabakuna kontra coronavirus disease 2019 at upang mapataas rin ang bilang ng mga magpapa-bakuna sa lungsod.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga


Kasabay nito ang ginagawang paghihikayat ng City Health Office sa publiko na suportahan ang COVID-19 vaccination program ng Pamahalaan para makamit na rin ang herd immunity dito sa lungsod.(Jom Dimapalao)