Go Duterte Go caravan, ikinasa!

COTABATO CITY – NASA mahigit isang daang partisipante ang nakiisa nitong Sabado ng umaga sa isinagawang caravan ng Peoples Movement for Continuity “Go Duterte Go”.


Nagsimula ang caravan sa Cotabato City Plaza pasado alas sais ng umaga at inikot ng mga ito ang Maguindanao hanggang sa bayan ng Shariff Aguak.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS


Una ng sinabi ni Cotabato City Tribal Chieftain Timuay Noel Panalag na layunin ng kanilang isinagawang caravan ay hikayatin ang Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang bise presidente sa 2022 national and local election.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station


Naniniwala sila na sa tandem nina Senador Bong Go at Pangulong Duterte ay maipagpapatuloy ng Pamahalaan ang mga magagandang nasimulan ng kasalukuyang administrasyon.(Jom Dimapalao)