Mga kasiyahan sa 39th Kadayawan Festival, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang kasiyahan sa ika-39 taon ng Kadayawan Festival 2024 na pormal na nagsimula nitong nakaraang araw.

Kilala bilang king of festivals ang Kadayawan Festival 2024.

Sa pagsisimula ng pagdiriwang, ibinida ang labing isang tribo na nasa Davao City sa ginanap na Hiyas ng Kadayawan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Present sila Mayor Sebastian Duterte at Vice Mayor Melchor J. Quitain Jr.

Kasabay din ito ng pagbubukas ng Kadayawan tribal village kung saan ipinakita ng bawat tribo ang kanilang mga pagkain, produkto, kultura at tradisyon na umakit ng malaking bilang ng mga tao. Patuloy rin ang mahigpit na seguridad na ipinatupad ng libu-libong miyembro ng Davao City Police Office sa tulong ng iba’t ibang safety and security clusters na unang ipinakalat noong nakaraang linggo.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase