20 pamilya sa Cebu, nawalan ng tirahan dahil sa sunog

Kaagad na nagsagawa ng profiling ang City Social Welfare Services sa Brgy. Guadalupe, Cebu City sa mga nasunugan para sa agarang tulong.

Matatandaang nawalan ng tirahan ang pitong pung indibidwal o dalawang pung pamilya matapos lamunin ng naglalagablab na apoy ang kanilang mga tahanan sa nasabing lugar bandang alas -12:00 ng tanghali nitong Lunes, Agosto 12, 2024.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Sa nangyaring sunog 14 na bahay ang apektado, 12 dito ang tuluyang naabo at dalawa ang bahagyang napinsala.

Ayon sa may-ari ng bahay na tinuturong pinagmulan ng sunog, bago sya umalis ng bahay papuntang trabaho, tiniyak niya na walang mga nakasaksak na appliances kaya’t nagdududa umano siya na nagsimula ang apoy sa poste ng kuryente na katabi ng kanilang bahay.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Gayunman, patuloy pa ang imbestigasyon ng kabomberohan sa sanhi ng sunog na nag-iwan ng P600,000 na danyos.