Papasok pa rin sa loob ng target range ng Pilipinas ang inflation sa mga susunod na buwan ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Governor Eli Remolona.
Kasunod nito, idiniin ni Remolona sa kanyang presentasyon sa budget briefing na malaki ang papel ng non-monetary measures tulad ng paglagda ng Pangulo sa Executive Order No. 62 sa pagsulong ng disinflation o pagpapababa ng inflation rate.
Ngunit sa kabila nito, tiniyak ng BSP na sapat pa rin ang reserve funds o reserbang pondo ng bansa upang mabayaran ang external debts nito.
Dagdag pa niya, ‘in good shape’ naman din ang mga bangko sa bansa dahil well capitalized at ayos din ang mga balance sheets ng mga ito.
Maliban pa roon, siniguro ni Senate Committee on Finance Chairperson, Senadora Grace Poe na sasalaminin ng maaprubang budget ang kanilang collective priorities sa Senado.