Mga kapatid ni Mayor Guo, gusto na ring paimbestigahan

‘Wala talagang sikretong hindi nabubunyag’

‘yan ang pagtitiyak ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros matapos lumabas sa report ng National Burea of Investigation (NBI) na nag-match ang fingerprint ni suspended Mayor Alice Guo sa Chinese national si Guo Hua Ping.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Anya, ibig sabihin lang nito posibleng purong Chinese talaga ang alkalde taliwas sa patuloy nitong ipinaglalaban na Pilipino siya.

Alinsunod nito, pinaiimbestigahan na rin ng senadora sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang mga negosyo ng mga kapatid nitong sina Sheila Guo at Wesley Guo kung saan tumatayong incorporators ang mga ito.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Samantala, napa-subpoena na niya ang mga ito kasama si Guo at maging ang ilan pang personalidad na sangkot dito.