Panukala para sa libreng college entrance examination, naisabatas na matapos mag-‘lapse into law’

Ibinalita ngayong araw ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. na pormal nang batas ang iniakda niyang RA 12006 o ‘Free College Entrance Examination Act.

Ito ay matapos mag-‘lapse into law’ o hindi magawang mapirmahan o di kaya i-veto ng Pangulo sa loob ng tatlumpung araw ang nasabing panukalang batas.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Maalala, layunin ng nasabing batas na makapagbigay ng libreng college entrance examination sa mga kuwalipikadong estudyanteng papasok sa mga pribadong higher educational intutions.

Pero upang makapasok dito ang isang aplikante, dapat umanong natural-born Filipino citizen ito, parte ng top 10% ng graduationg class at hindi aabot ang kita ng pamilya sa poverty threshold o poverty line.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Samantala, tiniyak naman ng senador na marami pa siyang isusulong na panukala para sa kabataan, mga mag-aaral at maging para sa buong sektor ng edukasyon.