Warrant of arrest laban kay suspended mayor Guo – maaring lumabas sa mga susunod na araw

Posibleng lumabas na ang arrest order laban kay suspended Bamban Mayor Alice Guo.

Kasunod nga ito ng pagkaka-match ng kaniyang finger prints, sa isang nagngangalang ‘Guo Hua Ping’, isang Chinese national.

Ibig-sabihin, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) ay malinaw na hindi Pilipino si Guo, at gumagamit siya ng ibang pangalan.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), wala nang iba pang pupuntahan si Guo kundi sa kulungan sa Pilipinas.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Hindi na rin daw siya tatanggapin sa China dahil na-give up niya na ang kaniyang citizenship doon.

Bago ito, una na ring sinabi ng Solicitor General na maghahain na sila ng quo warranto case laban sa alkalde para tuluyan na itong ma-disqualify sa public position.