KORONADAL CITY – HANDA na ngayon ang 13 na mga kandidata para sa Lakambini ng Koronadal o LaKor 2024. Nasa 13 na mga kandidata ang maglalaban-laban para sa korona ngayong taon.
Kinilala ang mga ito na sina Khrysha Rae Cabrera ng Agua Frio Garden Resort Incorporated; Francine Mae Andrea Tampus ng Skin Fairness Dermatology Clinic and Medical Spa; Clara Michelena ng Gryk’s Food House; Izy Portes ng Koronadal Public Market; Princess Grace Dijan ng Kute ng Bayan; Julie An Tugade ng Barangay Sto. Nino; Crizel Joy Miguel ng SK Barangay San Jose; Dzzy Mae Tuazon ng B&B Glass Services; Mary Jubimille Casuyon ng SK Barangay Morales; Leila Ysabel Publico ng Grace Beauty Lounge & Aesthetics-SK Barangay GPS; Kate Ann Doguines-SK Barangay Sta. Cruz; Claudia LHoffer ng Gravala Enterprises; at Celine Carreon ng LC Agri Supply. Isasagawa ang Lakambini ng Koronadal Pageant Night sa Enero 08, 2024 alas 7:00 ng gabi sa South Cotabato Gymnasium and Cultural Center.
Pangungunahan naman ito ni General Services Office o GSO Head Gema Amor Panza at Honorary Chair naman si City Councilor Ma. Ester Marin Catorce. Samantala, magiging pambungad naman na aktibidad ng Hinugyaw Festival 2024 ang Lakambini ng Koronadal. Layunin ng maagang pagsasagawa ng pageant night ay upang ang magiging reigning queen ay makakapag-participate na sa mga aktibidad at programa sa susunod na mga araw.
