Mga kagamitang pandigma, narekober sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng 54ib at CPP-NPA

Narekober ng 54th infantry batallion ang ilang kagamitag pandigma matapos ang nangyaring bakbakan sa pagitan ng kanilang tropa at teroristang grupong Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Barangay Abatan, Hungduan, Ifugao noong June 19,2021.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nakatanggap ang 54IB ng ulat mula sa residente ng naturang lugar na mayroong presensya ng makakaliwang pangkat sa kanilang nasasakupan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nang nagtungo ang 54IB sa lugar upang beripikahin ito ay pinagbabaril na umano sila ng makakaliwang pangkat na nagresulta ng bakbakan na tumagal ng 30 minuto.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente  ang isang M16 rifle, 2 pampasabog,  mga dokumentong mayroong high intelligence value, medical supplies at mga personal na pagmamay-ari ng mga rebelde.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Pinuri naman ni MGen Laurence Mina ang hanay ng 54IB at pinasalamatan ang mga residente sa nasabing lugar na nagbigay ng impormasyon at sumusuporta sa programa ng pamahalaan na wakasan ang problema sa insurhensiya.

Magugunita na ang Pamahalaang panlalawigan ng Ifugao ay nagdeklara ng persona-non-grata laban sa teroristang CPP-NPA-NDF.