6 na CPP-NPA supporters mula San Mariano, Isabela; sumuko sa pamahalaan

Anim na kabataan at mga taga-suporta ng CPP-NPA mula Sitio Nursery, Brgy. Disulap, San Mariano Isabela ang nagbalik-loob sa pamahalaan dala ang mga gamit pandigma.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan mula sa 5th Infantry Division ng Philippine Army, pawang nasa edad disi-otso hanggang bente tres anyos ang nasabing mga sumukong CPP-NPA supporters.

Tatlo sa kanila ang kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo habang ang tatlo naman ay tumigil na sa pag-aaral.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Kasabay ng kanilang pagsuko sa hanay ng 98th Infantry Battalion, dala rin nila ang dalawang homemade shotgun at mga bala nito.

Matapos nito ay itinuro rin nila ang kinalalagyan ng mga pampasabog at mga bala na agad namang pinuntahan ng mga kasundaluhan.

Nahukay nila ang nasa 205 na piraso ng rifle grenades at 48 na mga bala ng M1 Garand Rifle.

Nakuha rin ng mga kasundaluhan ang 134 na piraso ng mga flyers ng Danggayan Dagiti Mannalon-Cagayan Valley (DAGAMI), maging ang ilan pang mga pampletos at mga libro na naglalaman ng mga aral kaugnay sa rebolusyonaryong pakikibaka.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon sa salaysay ng mga sumukong kabataan, ipinapamahagi nila ang mga flyers ng DAGAMI-Cagayan Valley upang makahikayat ng mga indibidwal na sumama sa kanilang mga ikinakasang protesta laban sa gobyerno.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni MGen Laurence Mina, Commander ng 5th ID ang pagbabalik-loob ng mga kabataan at tiniyak na tutulungan sila sa pagbabagong buhay.