Mga kabataang Pinoy sa SG, pwedeng mag-apply ng ASEAN scholarship

Inanunsyo ng Ministry of Education sa Singapore na pwede ng mag-apply ng scholarship ang mga kabataang Pilipino sa naturang bansa kabilang ang ibang ASEAN countries pati na ang China.

Bibigyan ng pagkakataon ang mga qualified students na makapag-aral ng libre sa loob ng apat na taon kung saan mahahasa ang kanilang communication at leadership skills.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sakop ng naturang scholarship ang mga kabataang ipinanganak noong January 2, 2006 hanggang January 1, 2009, kasalukuyang nasa Grade 9 pataas, mahusay sa wikang Ingles, consistent high grades at may good record.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Samantala, kabilang sa mga benepisyong matatanggap ng isang scholar ang annual allowance, accommodation, airfare, school fees, medical at insurance coverage. || ARGIE ERGINA