Bumisita ang ilang opisyal ng Department of Education sa mga paaralang kabilang sa pilot implementation ng face-to-face classes sa Zambales nakaraang Huwebes.
Bago pa magsimula ang klase ngayong araw ay bumisita sina Usec. Alain Del Pascua at Director Leilanie Galvez.
Kabilang sa pinuntahan ni Usec. Pascua ang Burgos ES, Maguisguis IS, Nacolcol IS, Palis ES, Moraza ES at Belbel ES sa Botolan habang si Dir. Leilani Galvez naman ay sa Baliwet ES at San Marcelino NHS sa San Marcelino.
Matatandaan na sa Zambales ay sampong paaralan ang kabilang ngayon sa in-person classes kung saan pito dito ay mula sa Botolan, dalawa sa San Marcelino at isa naman sa San Felipe.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Usec. Alain Pascua
