Tatanggap ng mga menor de edad na magpaparehistro para makapag-pabakuna kontra covid19 ang mga health center sa Olongapo.
Ito ay para bigyan ng pagkakataon ang mga edad dose hanggang desisyete na magparehistro sa barangay kung walang kakayahang makapag-online registration.
Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustanamante, kailangan nang umpisahan ang paglilista sa mga kabataang interesadong magpabakuna para mabilis na maumpisahan kapag my pagpayag na ang doh at may suplay na ng bakuna.
Di naman tiyak ni Bustamante kung mauumpisahan ang vaccination sa mga kabataan sa olongapo ngayong taon.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
