KORONADAL CITY — NANANATILI ang mga istratehiya na ipinatutupad ng South Cotabato laban sa Covid-19.
Ito ang ipinasiguro ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido, Jr. sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.
Ayon sa opisyal, ito’y sa kabila ng pagbaba na ng aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan at pagtaas ng bilang ng mga naka-rekober na sa sakit.
Malaking tulong umano sa pagpapababa ng kaso ng Covid-19 ang ginagawang mga rekoridad at pamamakuna.
Panawagan naman ni Aturdido sa publiko na nagnanais ng masayang celebration ng Pasko na magpabakuna na upang maabot ang herd immunity.
