KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ang lalawigan ng South Cotabato ng mga digital tools mula sa United States Agency for International Development o USAID.
Ito ay kinabibilangan ng 2 ultra-portable Chest Xray Machines, 2 portable rapid diagnostic test TrueNAT machine, Digital Adherence Tools at 3HR medicines para sa Preventive TB treatment sa 2,502 na mga adults at 706 na mga kabataan.
Ang naturang mga kagamitan ay malaking tulong sa pagpapaigting ng active case finding ng tuberculosis at pagsasagawa ng South Cotabato TB Services on Wheels.
Sa pamamagitan nito, mas mapapalapit pa sa mga mamamayan ang mga health services ng provincial government.
Labis naman ang pasasalamat ng provincial government sa USAID at StopTB Partnership sa pagpili sa South Cotabato bilang benepisyaryo ng mga bagong digital tools para sa improved TB care sa ilalim ng Introduction New Tools Project (INTP).
