NPA patay sa engkuwentro sa San Fernando , Camarines Sur ; pasok sa eskwela sinuspinde

CAMARINES SUR-Malalakas na putok at pagsabog ang narinig ng mga residente ng Tagpocol , San Fernando Camarines Sur; nagkabakbakan ang mga militar ang mga rebeldeng grupo.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Maj. Frank Roldan, DPAO Chief ng 9th Infantry Division Philippine Army na pasado alas-sais ng umaga nitong Agosto 2, 2024 nang magkasagupa ang tinatayang 20 na mga New People’s Army at tropa ng pamahalaan sa Barangay Tagpocol. Nagresulta ito sa pagkakapaslang sa isang NPA. Narekober din ang anim na baril at grenade launcher.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Samantala, kinumpirma rin ni Mayor Fermin Mabulo na sinuspinde ang pasok sa eskwela sa Barangay ng Tagpocol, Pipian at Bocal. May kalayuan man sa encounter area rinig na rinig ang putok na nagdala ng takot sa mga bata.  Isinaalang-alang din ang kaligtasan ng publiko sakaling bumaba-baba ang palitan ng putok o may papatakas na rebelde.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon sa alkalde, manatiling mahinahon dahil nakaantabay naman ang mga otoridad.