Mga isda sa Cavite, ligtas nang kainin

Nasa maayos na ang estado at ligtas ng kainin ang mga isdang huli sa Cavite.

Ayon sa Gov. Jonvic Remulla, ito’y base sa kaniyang pakikipag-usap kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel matapos ang halos isang buwang kalbaryo ng mga mangingisda mula sa affected areas sa lalawigan.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Pinag-aaralan pa naman ang paghahango ng iba’t ibang uri ng mga shell fish tulad ng halaan at tahong.

Samantala, pumalo na sa mahigit isang bilyong piso ang tinatayang halaga ng pinsala ng Bataan oil spill sa lalawigan.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Nanawagan naman ang gobernador sa may-ari ng lumubog na MT Terra Nova na magbigay ng kaunting malasakit sa mga lubhang naapektuhan ng oil spill.