81 thousand liters ng oil waste, nahigop na sa lumubog na MTKR Terranova

Halos 81,000 liters na ng oil waste ang nakolekta sa mula sa lumubog ng MT Terranova sa Limay, Bataan.

Ayon kay PCG Bataan Station Commander Michael Encina na mula ito noong August 19 kasabay ng ginawa nilang testing ng equipment hanggang kahapon , August 21.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Nasa 6, 500 liters per hour aniya ang oil rate o ang nakukuha nilang langis.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Sabi ng opisyal, posibleng higit dalawang linggo ang kakailanganin upang matapos ang siphoning procedure sa industrial fuel, lalo’t malaki ang epekto ng sea at weather condition sa effort na ito.