Mga interesadong kumuha ng Career Services Examination- Pen and Paper Test maaari pa ring mag secure ng slot online

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Civil Service Commission Regional Office V na maaari pa ring mag- secure ng slot online ang mga interesadong kumuha ng Career Services Examination- Pen and Paper Test  (CSE- PPT).

Ito ay sa pamamagitan ng ro5.csc.gov.ph hanggang May 31 ng taong kasalukuyan kasama ang mga araw ng Sabado at Linggo.

Mayroong allotted slots kada araw sa bawat probinsiya.

Para sa Camarines Norte 51 ang daily slot sa Professional level habang 9 naman sa Non Professional level.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Bago ang pagsusumite ng application requirements sa filing period ay kailangan munang mag secure ng slot online ang mga interesadong examinees.

Una nang inihayag ni Acting Director II Atty. Alicia Salinas ng Civil Service Commission Provincial Field Office na madaragdagan ang slots ng Camarines Norte para sa mga kukuha ng CSE- PPT sa Agosto.

Target umano ng opisina ang 800 examinees dahil nadagdagan na rin ang bilang mga mga paapayagang mag exam sa isang kwarto.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa June 19, 2022 CSE- PPT examinations ay 12 examinees lang ang pinapayagan sa kada kawarto upang masiguro na mayroong social distancing.

Pero sa gagawing kaparehong exam sa Agosto ay 16 na examinees na ang papayagan kada kwarto.

Ang examination sa Agosto ay bukas sa General Public pero kalahati dito ay agency requested.