Nakapagtala ang Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMC) ng pagtaas sa bilang ng mga firecracker-related injuries na isinusugod sa kanilang pagamutan.
Sa latest na bulletin ng pasilidad – umakyat pa sa halos sampu ang bilang ng mga nasugatan nang dahil sa paputok.
Sa naturang bilang – nangunguna pa rin sa mga sanhi ng injury ay ang ipinagbabawal na 5-star.
Mayroon ding mga nasugatan nang dahil sa whistle bomb, baby rocket, at mga kwitis.
Bago ito, una nang tiniyak ng JRMC na nagdagdag na sila ng mga espasyo para sa mga posibleng ma-admit, ‘o mga isusugod sa kanilang pasilidad nang dahil sa paputok.