AFP, bukas sa pagtatayo ng permanenteng istrasktura sa Ayungin Shoal

Handa ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na gampanan ang anumang tungkuling ibibigay sa kanila ng national government.

Ito ang sinabi ni AFP spokesman Col. Medel Aguilar sa harap ng isinusulong ng ilang mambabatas sa pagtatayo ng permanenteng istraktura sa ayungin shoal, sa harap ng lumalalang sigalot sa west philippine sea.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Sabi ni Aguilar para sa mga mangingisda ang batid nilang itatayong istraktura kaya’t inter-agency ang mangangasiwa rito.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Maalalang ipinalutang ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang planong paghiling ng 100 milyon Pesos na pondo para sa konstruksyon ng lodging facility sa Ayungin Shoal.