Mga ilang murals sa Metro Manila, ipininta ng Pasiguena Artist

Kung napapansin mo at nahuhumaling ka sa mga ilang murals dito sa Metro Manila habang na-stuck ka sa traffic, iisang artist lang pala ang gumawa nito.

Kinilala itong si Anina Rubio, na isang taga Pasig City at environmental and sustainability advocate.

Paraan niya raw ang pagpipinta ng mural sa pagdadala ng isang parte ng kalikasan sa isang lugar na hindi ito accessible.

Nakagawa na si Rubio ng mahigit 200 mural sa buong bansa sa nakalipas na pitong taon, kabilang na rito ang Pasig River, Rizal Drive sa BGC, Filinvest City sa Alabang, at isang sikat na cafe sa Tondo Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *