Matapos ang masusing pagsusuri, nagpasya ang ABS-CBN na huwag iapela sa Office of the President (OP) ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa “It’s Showtime.”
Ayon sa inilabas na statement ng estasyon, nirerespeto nito ang awtoridad ng MTRCB ngunit naninindigan pa rin na walang nilabag na batas ang kanilang programa.
Mawawala muna sa era ang It’s Showtime sa October 14 at babalik sa October 8.
Sa ngayon, may mga haka-hakang papalitan muna ito ng bagong programang tampok sina Luis Manzano, Melai Cantiveros, at Robi Domingo.
