CAMARINES NORTE- Aminado ang Provincial Health Office na mayroon talagang mga health worker na nahawaan ng Covid-19 ngayong tumaas na namang muli ang mga kaso nito sa lalawigan.
Pero ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco isolated cases lang naman ito lalo’t kumpleto naman ng bakuna ang mga health worker.
Sumusunod din aniya ang mga ito sa protocol upang maiwasan ang hawaan ng sakit lalo’t sila ang nag aasikaso sa mga pasyente.
Pinaalalahanan rin ni Francisco ang publiko na bagamat wala na halos restrictions ay mandatory pa rin ang pagsusuot ng facemask sa mga ospital at clinic.
Mababatid na nagkaroon ng paghihigpit ngayon lalo na ang Camarines Norte Provincial Hospital sa mga dadalaw sa pasyente upang maiwasan ang hawaan ng sakit.
Iniuugnay naman ang pagtaas ng Covid-19 sa mga nakaraang aktibidad sa lalawigan tulad ng mga fiesta celebration.
Marami din umano ang nagsipag uwian sa lalawigan ang hindi na nasasala.
