Health services sa mga govt hospitals, libre; delay sa delivery ng gamot, inaayos na – SP Sorsogon Health Committee Chair

Libre ang lahat ng mga serbisyo sa mga pampublikong ospital.

Ito ang ipinaalala ni Board Member Roland Añonuevo, Sangguniang Panlalawigan Committee Chairman on Health, Demography, Senior Citizens and PWD.

Paalala nito, sinumang makararanas ng paniningil o paghingi ng bayad buhat sa mga serbisyo sa Provincial at mga District Hospitals ay huwag mag atubiling magsumbong para maipaabot sa kanila o kaya mismong sa gobernador upang matanggal sa serbisyo ang sinumang empleyadong mananamantala.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Samantala, aminado naman ang opisyal na may ilan pang mga sistema sa mga ospital ang kailangang ayusin gaya ng nangyari sa Irosin District Hospital kung saan nadelay ang delivery ng mga gamot mula sa Sorsogon Provincial Hospital kung kaya imbes na libre ay napagastos ang pasyente ng halos P7,000 para bumili sa mga botika sa labas.

Pagbibigay diin ni Añonuevo, kumpleto ang mga gamot sa SPH kung kaya inalis na rin umano ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa mga ospital dahil wala namang kailangang bayaran sa gamot.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ang delivery at mobility lamang umano ang nagiging problema dahil naaantala ito paminsan minsan lalo na tuwing nauubusan ng suplay ang mga district hospitals dahil sa dami ng mga nangangailangan, pero sa ngayon aniya ay ginagawan naman na ito ng paraan.