Mga gustong mag-avail ng free dialysis treatment sa So.Cot, pinasusumite ng letter of intent sa PSWDO

KORONADAL CITY- HINIHIKAYAT ni Dr. Conrado Braña, chief ng South Cotabato Provincial Hospital ang mga pasyente na gustong mag-avail ng libreng dialysis treatment na magsumite ng letter of intent at medical abstract sa Provincial Social Welfare and Development o PSWDO.

Ayon kay Braña na bagamat hindi pa operational ang Dialysis Treatment Center ng South Cotabato, nagsimula na silang tumanggap ng application sa mga gustong makabenepisyo nito.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Inihayag ng opisyal na ang application ay isinasailalim sa masusing evaluation at background investigation ng mga social workers upang masiguro na ang matutulungan ay yaong mga mahihirap na walang kakayahan magpa-dialysis.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sa ngayon, wala pang pinal na petsa kung kailan magiging operational ang naturang pasilidad dahil nagpapatuloy pa ang processing ng mga papeles para sa license to operate nito at iba pang rekisitos.