10 aftershocks naitala matapos ang 5.7 magnitude na lindol sa Davao Occidental

Aabot na sa sampung aftershocks ang naitala sa bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental matapos ang 5.7 na lindol kaninang madaling araw.

Sa record ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pinakamalakas na aftershocks ay naitala bandang alas-singko trese ng umaga na may lakas na 5.2 magnitude.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Nabatid na naramdaman ang Intensity III sa Tupi, South Cotabato, habang Intensity II naman sa General Santos City at Davao City.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Sa kabila nito sinabi ng Phivolcs na hindi nila inaasahan ang anumang danyos sa naturang pagyanig.