Mga gurong hindi pa bakunado maaaring magpalista at magpabakuna sa CNPH

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Provincial Health Office na maaaring magpalista at magpabakuna sa Camarines Norte Provincial Hospital ang mga guro na hindi pa rin bakunado hanggang sa ngayon.

Ito ay bilang anticipation sa posibilidad na pagbaba sa COVID- 19 Alert Level 1 sa lalawigan ng Camarines Norte sa mga susunod na araw kung saan kailangan nang pumasok on site ang isangdaang porsiento ng DepEd personnel.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco mayroon namang supply ng bakuna sa adult population kaya kung gugustuhin ay maaari nang magpabakuna.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Maaari umanong magpa schedule ang mga ito sa nakakasakop na Rural Health Units o sa CNPH kung saan nila gusto.

Matatandaan na noong isang taon ay binigyang ng special allocation ang DepEd ng bakuna para mabakunahan ang kanilang personnel.

Pinayagan din ng Department of Health ang Health personnel ng DepEd para magbakuna sa kanilang hanay.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa panahong iyon ay hindi pa gaanong marami ang suplay ng bakuna.

Hindi rin nagkulang ang pamunuan ng Division Office na hikayatin ang mga guro na magpabakuna kontra COVID- 19.

Sakaling maibaba na nga sa Alert Level 1 ang probinsiya ay kailangang sumailalim sa regular na RT- PCR test ang school personnel na hindi pa bakunado.

Samantala, ngayong araw ay eksaktong isang taon na nang simulan ang COVID- 19 vaccination sa Camarines Norte.