Northeastern Japan, niyanig ng magnitude 7.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Northeastern Japan, gabi nitong Miyerkules.

Naitala ang epicenter ng naturang pagyanig sa coast ng Fukushima, na may lalim na 60 kilometres o 37 miles

Itinaas ang tsunami warning sa Miyagi at Fukushima Prefectures ngunit kalaunan ay ibinaba agad ng Japanese officials.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Ayon kay Top Government Spokesman – Hirokazu Matsuno, nagpdala na ang gobyerno ng emergency task force sa mga apektadong lugar habang nagbabala na rin sila sa mga residente sa mga aftershocks na posibleng maranasan kasunod ng pagyanig.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Aabot umano sa dalawang milyon na mga kabahayan sa Kanto region ang walang suplay ng kuryente kabilang ang 700,000 na mga residente sa Tokyo habang patuloy pa sa isinasagawang assessment ang mga otoridad, upang matukoy ang pinsalang iniwan ng lindol.### JUMEL DELA ROSA