Mga fully vaccinated na Pilipino, pahihintulutang bumisita sa Israel

Inanunsyo ng Ministry of Tourism ng Israeli embassy sa Manila na pwede nang makapasok sa kanilang bansa ang mga fully vacciated na Pilipino.

Sinabi ni Sammy Yahia, tourism director ng Pilipinas at India, na excited na sila sa reopening ng Israel para sa mga byahero.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Anya, gumawa na ang Israel ng malakihang hakbang upang protektahan ang kanilang mga mamamayan at mga bisita.

Ipinunto ng opisyal na bahagi na rito ang pagtitiyak na magiging COVID-safe at unforgettable ang byahe ng mga turista sa kanilang bansa.

Read More:  Escudero open to Supreme Court review of 16-vote impeachment rule

Base sa requirement ng  Israel ay kailangan ng mga dayuhan na bibisita sa kanila na maging fully vaccinated gamit ang Pfizer, Moderna, AstraZeneca, Sinovac, Sinopharm o Johnson & Johnson, 14 days bago ang kanilang pagdating.