2 patay sa barilan ng dalawang magkalabang gang sa Mexican resort sa Cancun

Dalawa ang patay habang binalot ng takot ang mga turista matapos na magbarilan ang dalawang magkalabang gang sa beach sa Mexican resort ng Cancun.

Ayon sa report, suspected drug dealers ang dalawang namatay sa barilan.

Sa salaysay ng ilang mga bisita, naglalaro sila ng volleyball sa beach nang biglang dumating ang mga nagbabarilang kalalakihan.

Masuwerte namang walang naitalang nasugatan o tinamaan ng bala sa mga bisita at mga staff ng hotel sa lugar.

Napag-alaman na ang Riviera Maya na isang popular na resort sa Cancun at maging sa Tulum ay nakapagtala ng tumataas na insidente ng karahasan mga nakalipas na panahon.

Noon lamang nakaraang buwan ay dalawang foreign tourists ang napaslang dahil din sa shootout ng dalawang pinaniniwalaang gang members