Mga fully vaccinated na kontra COVID-19, pwede nang bumiyahe papasok ng Catanduanes kahit walang negatibong resulta ng RT-PCR test

Catanduanes, BICOL—Pormal nang naglabas ng bagong Executive Order ang Sangguniang Panlalawigan ng Catanduanes na magtatalima sa inilabas na kautusan ng National IATF hinggil sa bagong travel protocols kung saan pinahihintulutan na ang interzonal travel para sa mga indbidiwal na fully vaccinated na kontra COVID-19.

Sa inilabas na E.O No. 26 series of 2021 na pirmado ni Catanduanes- Gov. Joseph Cua, nakasaad na papayagan nang pumasok sa islang probinsya ang sinumang indibidwal na mahigit dalawang linggo nang fully vaccinated kahit hindi mag presenta ng negatibong resulta ng RT-PCR test.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ganunpaman, mandatory pa rin ang paggawa ng S-PaSS account kung saan kailangang ma i-upload ang proof of vaccination sa loob ng 72 oras bago ang date of travel para sa inbidwal na nabakunahan sa labas ng Catanduanes, habang 24-oras naman bago ang date of travel para sa mga indibidwal na nabakunahan sa loob ng probinsya.

Samantala, pinahihintulutan rin ang mga fully vaccinated senior citizens sa kondisyong isasailalim muna ang mga ito sa health and exposure screening pagdating sakanilang destinasyon sa probinsya.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Para naman sa bakunadong indibidwal na nakasali sa contact tracing at may nakahalubilong tao na positibo sa COVID-19, mas pinaikli na lamang sa pitong araw ang quarantine period basta’t hindi ang mga ito makikitaan ng sintomas ng sakit sa loob ng isang linggong pag-isolate.

Kaugnay nito, mandatory pa rin ang pag presenta ng RT-PCR test result para sa mga indibidwal na hindi pa bakunado at tanging RT-PCR test na lamang ang kikilanin ng mga border control personnel sa islang probinsya.###