CAMARINES NORTE- Nakatakdang magtungo ngayong araw sa islang barangay ng Mercedes ang Commission on Elections para sa satellite voters registration.
Alas 8:30 ngayong umaga hanggang alas 3 ng hapon ay isasagawa ang voter registration sa covered court ng Barangay Apuao.
Ang mga magpaparehistro ay inaabisuhang magdala ng kahit na anong valid ID at sariling ballpen.
Ipinapaalala rin ang mahigpit na pagsunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at pagsunod sa social distancing.
Bukas ay sa Barangay Colasi naman gagawin ang satellite registration.
Sa ngayon ay mayroon nang 32, 104 ang registered voters sa naturang bayan sa kasalukuyan.
Kaugnay nito, patuloy na hinihimok ng Comelec ang mga hindi pa nakapapagpaparehistro na magparehistro na.
Hanggang September 30 na lang kasi ang registration bilang paghahanda sa 2022 National and Local Elections.
Importante ang halalan sa susunod na taon lalo’t pipili ang mga Pilipino nang bagong Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa.

