Mga fish vendor sa NCPM, hindi gaano apektado kahit na bumaba ng kalidad ng isda dahil sa init ng panahon

NAGA CITY – Apektado ng mainit na panahon ang kalidad ng isda ngunit sa kabila nito hindi gaano apektado ang mga manininda ng isda sa Naga City People’s Mall.

Sa panayam kay Liza Senosin, Vice President ng Fresh Fish Association, napag-alaman na madaling lumalambot o di kaya naman may pagliit sa laki nito na mismong sila na ang nagpapaliwanag sa mga bumibili/ ngunit tiniyak na ligtas at sariwa pa rin.

Ayon naman kay Lilibeth Ruta, Fish Vendor, kahit papaano maganda ang bentahan lalo na’t mura dahil sa marami ang suplay ngayong mainit ang panahon, kaya lamang sinisiguro nilang naibababad sa yelo lalo na’t tumatagal lamang ng dalawang araw ang isda na kailangang maubos sa maghapon, upang hindi rin malugi, tama lang ang kinukuhang suplay.

Samantala, ang presyo ng lourdes t na mabentang isda, nasa P120.00 – P140.00 kada kilo, sa bangus P140.00 – P150.00 kada kilo, tulingan p180.00, sibubog P120.00 at lawlaw na nasa P40.00 ang kilo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *