China, ikinabahala ang pag-deploy ng Amerika ng isang medium-range missile system sa PH

Ikinabahala ng China ang pag-deploy ng Amerika ng isang medium-range missile system sa Asia Pacific, dahil mas pinapalala pa nito ang tensyon sa Indo Pacific region at nagpapataas ng panganib ng misjudgment and miscalculation.

Ito ang tugon ng tagapagsalita ng Chinese Ministry of Foreign Affairs na si Lin Jian nang hingan siya ng komento hinggil sa mid-range capability missile system na kilala bilang Typhon.

Ilalagay ang Typhon sa Pilipinas sa gitna ng joint military exercises sa bansa.

Hinihimok ng China ang Amerika na respetuhin nang taimtim ang mga alalahanin sa seguridad ng ibang mga bansa, itigil ang pagsiklab ng komprontasyong militar, at ihinto ang pagsira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Dagdag pa ni Lin, kailangang makita at alalahanin ng Pilipinas kung ano ang tunay na hinahangad ng Amerika sa pakikipag-ugnayan nito sa ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *