Mga first time mom isa sa mga nabenepisyuhan ng Mom’s Love ES1 Capsule sa Barangay Pequeña, Naga City; mga maternity kits na natanggap, malaki ang tulong sa mga gastusin

NAGA CITY – Nasa 30 mga nanay, kasama ang mga first time mommy ang naging benepisyaryo ng Mom’s Love ES1 End Stunting Symposium ng Brigada News FM Naga, na nabigyan ng Mom’s Love ES1 Capsule at mga maternity kits sa Barangay Concepcion Pequeña, Naga City.

Ayon kay Maria Luisa Cuadro, isang first time mom, 3 months nang buntis, malaking tulong para sa kanya ang mga ganitong programa dahil bilang magsisimula pa lamang, importanteng nalalaman na ang mga dapat at hindi dapat gawin ng isang buntis, lalo na ang pag-iinom ng bitamina tulad ng Mom’s Love ES1 Capsule.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ayon naman kay Dane Antonette, limang buwan nang buntis, malaking tulong na makatanggap ng libreng bitamina at gamit para sa pagbubuntis lalo na’t resign na siya sa trabaho at ang partner niya na lang ang may trabaho, sobrang hirap na rin ngayon dahil sa mga gastusin.

Sa programa binigyan diin ni Brigada Janessa Savilla, News Director, ang kahalagahan ng Mom’s Love ES1 Capsule na malaki ang tulong upang maiwasan ang pagkabansot ng isang bata. Mayaman ito sa iron na nagpaparami ng dugo lalo na’t kailangan ng isang nagdadalang tao at may malunggay rin na makakatulong na mapababa ang bad cholesterol, sugar at iba pa.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Hindi lamang mga buntis ang nagpapasalamat maging ang Barangay sa pamumuno ni Kapitan Francis Mendoza, dahil sa pagkakapili muli sa Barangay upang mapagdausan ng programa.