Nakapagtala ng panibagong phreatic eruption ang #TaalVolcano.
Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay PHIVOLCS director Teresito Bacolcol, sinabi itong ang phreatic eruption ay tumagal ng dalawang minuto.
Mayroon din itong ibinubuga na higit 11,000 tonelada ng sulfur dioxide na nagdudulot sa ngayon ng volcanic fog, ‘o ‘yung ‘vog’ kung tawagin.
Dahil sa patuloy na pagre-release nito, ‘o ‘yung ‘degassing’ kung tawagin, patuloy pa ring pinag-iingat ang mga residenteng malapit sa lugar.
Sa kabila niyan, ‘di pa raw nila nakikitang itaas muli sa alert level 2 ang Bulkang Taal na sa ngayon ay nasa alert level 1 pa rin.