POGO hub na ni-raid sa Porac, Pampanga – may matibay na ebidensyang konektado sa Bamban, Tarlac – PAOCC

Malakas ang mga ebidensyang makapagsasabing mayroong ugnayan ang ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga, mula sa POGO hub na una nang sinalakay sa Bamban, Tarlac.

Sinabi sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio na may ebidensyang related ang dalawa.

Una nang sinabi ni Casio na magugulat daw ang publiko sa oras na ianunsyo na ng kinauukulang ahensya kung sino ang nasa likod ng mga POGO hubs na ito.

Muli ring nabanggit ni Casio na malalim na ang impluwensya at kapit ng mga POGO hubs na ito kaya patuloy pa rin silang nakapago-operate.

Mula kahapon, mayroon pa raw silang mga narinig na boses ng babae na mistulang humihingi ng tulong.

Susuyurin din umano nila ang mga posibleng mga tunnels na nasa ilalim ng POGO hub na ito sa Pampanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *