CAMARINES NORTE – Aabot sa 87, 943 mga estudyante mula Kinder hanggang Senior High School ang lalahok sa pagsisimula ng expanded limited face to face classes sa Camarines Norte bukas, Marso 1.
Ayon kay Schools Division Superintendent Nympha Guemo 53. 35 % lang ito ng kabuuang populasyon ng mga estudyante sa basic education.
Sa elementarya nasa 62, 508 ang nagpahayag ng intensyong lumahok sa face to face classes sa 98, 431 na mga estudyante o 63. 5 %.
Mababa naman ang porsiento ng mga nagpahayag na lalahok sa face to face classes sa Junior at Senior High School.
Sa 59, 799 nasa 20, 585 lang ang nag signify o 34. 42 % sa Junior High School.
Habang sa Senior High School naman ay nasa 4, 850 lang sa kabuuang 16, 449 o 29. 49 % ang nagsabing lalahok sila sa face to face classes.
Ayon kay Guemo determinado ang DepEd na magpatupad ng limited face to face classes upang matugunan ang problema at hinaing kapwa ng mga magulang at estudyante sa distance learning.
Aniya, ilan lamang sa mga reklamo ng mga magulang at estudyante noong ipatupad ang distance learning ay nahihirapan ang mga ito.
Problema rin umano ang mental health ng mga bata at ang authenticity ng assessment dahil maraming pagkakataon na hindi naman ang mga estudyante ang sumasagot sa modules.
Problema rin sa distance learning ang teknolohiya dahil hindi naman lahat ay mayroong gadget na magagamit.
