Mga eskwelahan sa Camarines Norte nakilahok sa National Simultaneous Earthquake Drill kahapon

CAMARINES NORTE- Nakilahok ang iba’t- ibang eskwelahan sa lalawigan ng Camarines Norte sa isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill kahapon, Marso 10.

Sa pagtunog ng bell dakong alas 8 ng umaga ay sabay- sabay na nag duck, cover and hold ang mga personnel ng Division Office gayundin ang iba’t- ibang eskwelahan.

Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon muli ng Earthquake Drill na nasa eskwelahan ang mga bata pagkalipas ng dalawang taon na walang face-to- face classes dahil sa pandemya.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa impormasyon mula kay Division DRRM Coordinator Geronimo Burce limitado lang din muna sa duck, cover and hold ang aktibidad upang mapanatili pa rin ang social distancing.

Gayunman pinayagan naman daw ang pagkakaroon ng evacuation scenario basta’t masunod lang ang minimum health standard.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Nakiisa rin ang mga guro na kasalukuyang sumasailalim sa Electoral Board training ng Commission on Elections na ginaganap ngayon sa isang hotel dito sa bayan ng Daet.

May mga estudyante rin na nasa bahay ngayon para sa distance learning ang nakilahok sa naturang aktibidad.