Unang araw ng ika- apat na round ng National Vaccination Days naging maayos sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Naging maayos sa pangkalahatan ang unang araw ng National Vaccination Days sa lalawigan ng Camarines Norte na nag umpisa kahapon.

Kumpara sa mga naunang pambansang bakunahan na madaling araw pa lamang ay mahaba na ang pila at nagsisiksikan ang mga tao, maluwag ngayon ang ilang vaccination center .

Sa Central Plaza Mall sa Daet, halos paisa- isa lang ang nagpapabakuna lalo na sa dakong tanghali at hapon.

Sa Basud New Sports Complex naman ay wala rin mahabang pila at maayos na naisasagawa ang pagbabakuna.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Mayroon ding ginagawang bakunahan sa  mga Barangay.

Ayon sa Department of Health target na mabakunahan kontra COVID- 19 sa lalawigan ang nasa 9, 294 na indibidwal sa loob ng tatlong araw o hanggang sa sabado, March 12.

Kabilang sa mga babakunahan ang mga indibidwal na hindi pa natuturukan ng second dose para maging fully vaccinated na.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Babakunahan din ang natitirang Senior Citizen na kabilang sa A2 priority group, nalalabing 12- 17 taong gulang at booster doses sa health and economic sector.

Layon ng pambansang bakunahan sa ika- apat na pagkakataon na mapataas pa ang bilang ng mga taong may proteksyon kontra COVID- 19.

Paliwanag ng DOH, kung marami ang bakunado ay mataas umano ang tsansa na protektado ang komunidad na isa sa mga criteria sa pagbaba ng Alert Level.