Ikalima sa listahan ng Municipal Most Wanted Person ng Basud MPS, arestado sa Manila

CAMARINES NORTE- Isang lalaking may kasong ARSON at Rank Number 5 sa listahan ng Municipal Most Wanted Person ng Basud ang inaresto ng mga kapulisan kung saan nahuli ito sa Guadal Canal, Barangay 596 V. Mapa Sta. Mesa, Manila nitong Marso 9, 2022.      

Ang akusado ay nakilalang si alyas “ROMEO”, 62 anyos na coconut farmer at residente ng Purok-3, Barangay Guinatungan, Basud, Camarines Norte.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ang nasabing personahe ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa section 3, paragraph 2 in relation to Special Aggravating Circumstances in Arson under Sec. 04, Paragraph 03 ng P.D 1613 na ipinalabas ni Hon. Leo Arniel A Dating, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 41, Daet, Camarines Norte, na may petsang July 8, 2019 at walang inirekomdang piyansa.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ayon sa ulat, sinadyang sunugin umano ng akusado ang tirahan ng biktima na kanyang kakilala at kaalitan na naganap bandang alas 2:00 ng hapon noong Mayo 6, 2019 sa Purok 3, Sitio Caluclucan, Barangay Guinatungan, Basud Camarines Norte.

Ang arestadong personahe nakakustodiya ngayon sa hepatura ng pulisya para sa kaukulang disposisyon