Mga eksperto, pagdedesisyunan kung imumungkahi ang booster shots


Nakatakdang pag-desisyunan sa susunod na linggo ng vaccine expert panel (VEP) ng bansa kung irerekumenda ng pagbibigay ng booster shots o ikatlong dose ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa isang panayam, sinabi ni VEP chairman Dr. Nina Gloriana na tuloy-tuloy lamang ang pag-uusap ng kanilang grupo at maaaring makapaglabas na ng desisyon sa susunod na linggo.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Naghahanap pa umano sila ng pinakamagandang solusyon upang masiguro ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng limitadong suplay ng bakuna sa bansa.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Aniya, kapag naaprubahan ang nasabing pagbibigay ng booster shots, ipaprayoridad umano ang pagbibigay nito sa mga healthcare workers o ang mga tao na nasa A1 category na siyang may pinakamataas na risk of exposure sa coronavirus.