ICU beds sa buong bansa, nananatili pa ring nasa high risk – DOH

Nasa high risk pa rin ang occupancy rate ng ICU beds sa buong Pilipinas matapos na maokupa ang 72% mula sa 4,000 na kabuuang bilang nito sa bansa.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nasa high risk din ang ICU beds sa Metro Manila na okupado na rin ang 70% sa 1,400 na ICU beds nito sa buong rehiyon.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Pareho ring nasa high risk ang ward beds sa buong bansa at sa Metro Manila, matapos na maokupa ang 71% mula sa 15,100 ward beds sa buong Pilipinas, at 72% naman mula sa 4,300 ward beds sa Kamaynilaan.

Samantala, nasa moderate risk naman ang occupancy rate ng mechanical ventilators sa bansa matapos na bumaba sa 56% mula sa 3,200 ventilators ang ginagamit ngayon sa buong bansa.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Gayundin ang Metro Manila kung saan kasalukuyang ginagamit ang 62% ng 1,100 ventilators sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, tumaas muli ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na nakapagtala ng 20,310 na bagong kaso ang DOH kahapon, dahilan upang umabot na ang kabuuang bilang ng impeksyon sa bansa sa 2, 040,568.