CAMARINES NORTE- Nakatanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ang mga dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan.
Ito ay sa isinagawang payout para sa provision of Livelihood Settlement Grants (LSG) sa mga dating rebelde na ginanap dito sa bayan ng Daet.
Ayon sa ahensiya nasa 12 benepisyaryo ang nakatanggap ng P20, 000 bawat isa para sa kani- kanilang individual livelihood project.
Nasa kabuuang P240,000.00 na halaga ng pondo ang nagamit.
Ang DSWD ay isa sa mga lead agency sa implementasyon ng E.O. 70 o ang ‘Institutionalizing the Whole-of-Nation Approach in Attaining Inclusive and Sustainable Peace, Creating a National Task Force to End Local Communist Armed Conflict and Directing Adoption of a National Framework’.
Ang SLP naman ay naglalayong mapabuti ang economic well-being ng mga vulnerable, marginalized, at disadvantaged individuals and families sa mga komunidad.
Ito ay sa ng pagpapakilos at pagbibigay sa kanila ng kakayahan sa pamamagitan ng suporta ng mga Local Government Unit at iba pang ahensiya ng gobyerno.
(Photos: DSWD)

