LEGAZPI-Labis ang sayang nadarama ngayon ng Pulisya sa Bicol matapos na manguna sa kakalabas pa lamang na Individual Commander’s Evaluation Rating (ICER) ng NHQ, Camp Crame, si PBGEN Jonnel C Estomo na kasalukuyang Regional Director ng Police Regional Office 5, para sa buwan ng Agosto 2021.
Mula sa labing pitong rehiyon (17) sa buong bansa, si RD, PBGEN ESTOMO ang nanguna at siyang nabigyan ng pinakamataas na grado na 94.65%.
Sa kanyang panunungkulan bilang Regional Director ng PRO5 tiniyak ni RD ESTOMO ang paghahandog ng ekstraordinaryong serbisyo na nakikita, nararamdaman at napapahalagahan ng bawat Bicolano.
Sa loob lamang ng limang buwan na paninilbihan, kaagad na nakitaan ng pagbabago sa pagtanggap ng komunidad sa mga programa at inisyatibo ng PNP Bicol. Ito ay naging dahilan ng patuloy na pagtaas ng tiwala ng publiko sa kapulisan at pagbaba ng kriminalidad sa buong rehiyon.
Sa gitna ng pandemya, ipinakita rin ni RD ESTOMO ang pagnanais na matugunan ang pangangailangan ng nakararami. Kanyang pinalakas ang ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa pagkakabuklod-buklod at pagtataguyod ng isang mapayapa, ligtas at tahimik na komunidad.
Ang ICER ay mula sa pinagsamang puntos ng Performance Evaluation Rating (UPER) (60%), Directorial Staff Aptitude Rating (25%) at Focus Directives (15%).Ang nasabing pagsusulit ay naglalayong sukatin ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan, ng mga lider ng PNP sa buong rehiyon upang masiguro ang pagtupad nito sa tungkuling protektahan ang bawat miyembro ng lipunan.