Mga colorum na van na nagsasakay ng mga pasahero noong Semana Santa hinuli ng HPG at LTO

CAMARINES NORTE – Hinuli ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police Highway Patrol Group at Land Transportation Office ang mga colorum  na van o yung mga namamasada kahit walang prangkisa noong Semana Santa.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni PMaj Joselito Quila, Provincial Officer ng HPG Camarines Norte na marami- rami rin ang kanilang nahuli na inisyuhan ng Temporary Operator’s permit sa ginawang operasyon sa bayan ng Sta Elena o ang daanan papasok sa Bicol ng mga nagmula sa iba’t- ibang lugar.

Read More:  Drunk passenger stabs fellow bus rider in Cebu

Dati nang nagbabala ang HPG sa mga van na walang prangkisa na huwag mamasada.

Read More:  Transgender woman alleges discrimination in entrance exam process at Lucena City School

Bukod dito tinutukan rin ng HPG at LTO ang mga terminal sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inspeksyon.

Ani Quila, hindi nagtatapos sa Holy week ang kanilang SUMVAC operations dahil mananatiling nakapwesto 24/7 ang kanilang mga tauhan sa Sta Elena.